If you judge a fish…

Suddenly I was reminded of this quote na nakita ko dati somewhere:

everyone-is-a-genius-but-if-you-judge-a-fish-lg

Gets ko na medyo hindi. Hehe. But let me share what I thought.

Each one of us has his own area of expertise. Someone is good at a certain thing, but nobody is good at everything. But, everyone has an opportunity to learn something he isn’t good at. And judging that person whether he can do it or not would be unfair.

Teka… tama ba ang aking understanding? Haha, anyway. But please feel free to comment your own understanding of Einstein’s quote. :)

Updating myself…

Just wanna update myself here… well, nasa Doha na ko, 1 month na. Kakaiba ang experience; nung una para akong nananaginip. But, I’m here na. It’s bittersweet, because I miss my family back in the Philippines.

Mukhang magagamit ko ang pagkamataray ko sa lugar na ‘to. Sabi kasi ng ate ko, normal lang sa mga babae dito ang hindi pinapansin at kinakausap ng mga lalaki, kaya wag daw ako yung masyadong mabait o palangiti, or friendly. Nung nasa Pinas pa naman ako, ang pagiging mataray at masungit ang iniiba ko na sa sarili, haha.

Maraming nagbago sa buhay ko ngayon. Physically siguro (puro manok dito! Pero bumabaha ng prutas dahil mura lang naman..). Emotionally, malaki. Kasi nagbago din ang mga taong nakapaligid at madalas kong kasama noon. Sad, but true. Yun ang napansin ko. Hindi ko yun narealize nang matagal, dahil siguro after 3 days or a week ay nakita ko na ang tunay na kulay ng ibang tao. Napagtanto ko na distance will really show and tell the people who only matter to you (and vice versa). Hanggang tatlong katao nalang ang mga nakakausap ko ngayon sa Facebook. Yung iba taga-like nalang, bihira pa magrespond (magcomment). Ganun pala yun. Those people who matter will truly have the time and the thought na kusang mangamusta.

Kunsabagay, ano pa nga ba ang mapag-uusapan namin? Wala na kaming something in common, dahil malayo na ko, at di ko na sila nami-meet.

Ayaw ko na ng bitterness, dahil toxin yun sa buhay ko. Mas lalo akong hindi makakapagmove on. Tuwing maiisip ko ang mga nangyari, maging ang kalagayan ko ngayon, inaalala ko nalang ang mga Salita ng Diyos na hindi Nya ko iiwan ni pababayaan. Alam kong may purpose Sya sa’ken, kung bakit nangyari ang mga bagay na yun. Maging ang mga taong piniling lumayo sa’ken, ang Panginoon na ang bahala sa lahat.

Ginagawa ko lang ‘to to keep my sanity. I know I am not alone, for God is with me.

I’m so far away, but God isn’t

Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga bagay na ‘to ngayong wala na ko sa Pilipinas.. Hinayaan kaya ng Panginoon na makaalis ako para “mabunyag” ang mga bagay na yun? Para malaman namin..? Nalulungkot ako dahil may mga taong nasaktan, at ngayon may taong nasasaktan dahil sa sarili nyang pagkakamali at disobedience. Natatakot ako na baka hindi na naman sya magsimba at maging active sa ministry. Natatakot ako na baka gumawa sya ng mga bagay na hindi kalugod-lugod sa Panginoon. Natatakot ako, at nalulungkot, dahil andito ako, malayo at walang magawa. Ang tanging kaya ko lang magawa ay ipagpray sya. Naniniwala at nananampalataya ako na ang Diyos ang tunay na mangungusap sa kanya, at inaabot Nya ang Kanyang makapangyarihang kamay sa taong yun. Alam kong kino-comfort sya ngayon ng Diyos; dalangin ko na maging bukas ang puso’t isip nya sa Salita ng Diyos. Magpakumbaba sya sa harap ng Diyos.. maging matatag sya at malakas kahit na ganun man ang nangyari, kasi ayaw kong mawala sya sa presensya ng Panginoon.

You are sovereign, oh God.. His life is in Your mighty hands. Please guide and secure him. Kahit malayo ako, pero Ikaw Panginoon hindi Ka malayo sa kanya..

a blessing or a lesson?

8612858076_47564f0217_zThere’s a quote that says, “We meet people for a reason. Either they’re a blessing or a lesson.” But it can also be both: That person’s a BLESSING because he/she has been a channel of God’s blessings, either tangible or not; that he/she becomes a blessing to you because of the love and care you receive from that person. Then, a LESSON also, for knowing someone who differs from you can make or break you; knowing and being with him/her can be God’s instrument of discipline and refinement.
We need each other. We aren’t perfect people. We are all broken people, but as one Casting Crowns’ song says, we can be broken together, that we may be whole by knowing more of God’s love through our relationships with other people.

You could be both a blessing and a lesson to somebody.

Bitter???

The feels of this movie…

Anong araw ba ngayon?? Friday the 13th… Kaya pala.. Bisperas. Kaya pala feeling ewan ako ngayon.

Feeling ko itong Valentines Day na ito talaga eh sensationalized nalang. Bakit kelangan sa Feb 14 sila magdate, eh napakaraming araw naman sa buong taon? Mabuti kung holiday yan at walang pasok sa school/work.

Tapos parang walang ‘say’ ang mga single tuwing ganyang araw.. Balewala ang mga wisdom, ang mga realizations, ang mga lessons sa buhay na nais ipaabot sa mundo personally or through social media– kasi single ka! Lalo na yung NBSB. Parang wala kang karapatang magsalita at magbigay ng opinyon at dunong tungkol sa love and relationships.

Naaalala ko tuloy yung may nagsabi sa akin dati na mas lalo kong mauunawaan ang pag-ibig ng Diyos pag nakilala ko na ang ‘the one’ ko na bigay ng Lord. Mas lalo ko tuloy naiisip na through being in a relationship lamang eh mas maiintindihan ko kung ano talaga ang love and being in love. Gusto kong maniwala na mas mamahalin ko nga ang Lord pag nagkaroon ako ng ‘other half.’ Eh paano naman kung wala pa? Does it mean hindi ko pa talaga ganun kamahal si Lord?…

Oo masakit naman talaga na maging single pa rin since birth. Pero para sa akin mas masakit yung makita ang mga kapwa ko Kristyano na hindi tinatanggap ang mga naishe-share ko about love and relationships, dahil nga kasi I’m still single. Mas gusto pa rin nila yung understanding na turo ng kamunduhan or galing sa secular sources.

Because of that, I am disliking this ‘season of love’ more and more with all of my heart. Bitter na kung bitter ang isipin ng iba, pero yan ang saloobin ko. Alam kong may nagmahal din naman sa’keng lalaki, pero takot nga lang at torpe. At pihikan ako at alam kong hindi pa ngayon ang tamang panahon para pumasok ako sa isang relasyon. Dahil andami ko pang gustong gawin sa buhay… Gusto ko pa mag-aral ulit. Gusto ko pa mag-aral ng English course or magmajor sa English; gusto ko pang mag-aral ng Biblical Hebrew. Gusto ko pa magturo ng Bible studies. Gusto ko pa magkaron ng business. That is why while I’m still single I am desiring to glorify God with all of my body, soul, and spirit. Yan ang nais kong ituro sa ibang mga single din at mas bata sa akin, pero hindi yan ang gusto nilang marinig. Ang gusto nilang marinig ay kung paano manligaw o paano mapapaibig ang taong yun. Ayaw nilang marinig ang tungkol sa ‘tamang paghihintay’ or ‘perfect time’ ng Lord. Yan ang ayaw natin generally dahil gusto nating masunod ang sarili natin. But as CS Lewis said:

Ayaw mong pakialaman ka ng ibang tao regarding your love life? Fine! Pero walang makapipigil sa Lord na pakialamanan ka lalo na dyan, dahil it involves your heart. We humans tend to learn the hard way. But God only wants the best for us. He doesn’t want us to get messed up because of our disobedience. That’s why He teaches us to wait and trust Him, that there is a perfect mate made for us, just like how Eve was created perfectly for Adam (Genesis 2:18-22). God is preparing us as He is also preparing that person who will be ‘a helper comparable’ to us. In God’s perfect time, according to His will.

Unconditional love

pravs-j-hold-on-to-friendship-edit

I still don’t understand the concept of love, even though I’ve learned how to love, care, & value others more than myself..

Maybe it’s the very essence of love.. To give and show love unconditionally, even if you don’t receive the same amount in return..

I may not fully understand what love is, but I know the Author and God of love.. To know Him is to know what love truly is.

These were my tweets days ago…  Weeks ago I’ve been troubled by a Facebook comment to my post regarding love, and it still is making me ask deeper questions about love of all kinds. It’s as if my whole idea of God’s love wants to be diminished, because it’s been challenged by that comment. Basta yun na yun; mahirap i-explain, mahaba eh.. Hehe. (Maybe sometime later I will blog about it..)

Pero napansin ko sa sarili ko nitong mga nakaraan puro ganyan ang mga tanong ko, mga status or thoughts or realizations ko. Maybe it’s a romantic love, or brotherly one. Or just familial. Continue reading