Unconditional love

I still don’t understand the concept of love, even though I’ve learned how to love, care, & value others more than myself..

Maybe it’s the very essence of love.. To give and show love unconditionally, even if you don’t receive the same amount in return..

I may not fully understand what love is, but I know the Author and God of love.. To know Him is to know what love truly is.

These were my tweets days ago…  Weeks ago I’ve been troubled by a Facebook comment to my post regarding love, and it still is making me ask deeper questions about love of all kinds. It’s as if my whole idea of God’s love wants to be diminished, because it’s been challenged by that comment. Basta yun na yun; mahirap i-explain, mahaba eh.. Hehe. (Maybe sometime later I will blog about it..)

Pero napansin ko sa sarili ko nitong mga nakaraan puro ganyan ang mga tanong ko, mga status or thoughts or realizations ko. Maybe it’s a romantic love, or brotherly one. Or just familial.

I have said last time that I have three spiritual children, and they are boys. I really treat them as one of my own, as if they’re really my kids. My affection toward them is like a mother to her son, and an older sister (kaya nga kung makapanermon ako sa kanila parang ate talaga).. I grew fond of them, kahit na halos one year palang naman talaga kami na magkaka-close.

Nung nakilala ko sila, nagbago ang isip ko tungkol sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Dati kasi, ayokong mag-asawa. Nung highschool ako, love, or having a family, wasn’t just for me. Ayoko ng responsibility. Tatanggapin ko kung magiging single ako forever. Pero nung nakilala ko sila, at nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sila, arugain sila, alalayan, isipin, intindihin at unawain, at mahalin, unti-unti ring nagbago ang concept ko tungkol sa love and having a family.

I'm understanding things quite better now... including parenthood.

I’m understanding things quite better now… including parenthood.

Feeling ko talaga parang nanay ako pag kasama sila. Pero sa pagtagal ng panahon, lumalaki na rin sila. Nag-iiba na rin ang gusto, ang mga gawi. Hindi na rin tulad nang dati, nung una kaming maging close. Naiintindihan ko naman yun, dahil yun nga, lumalaki na sila. Pero nagkakaroon ako sa puso ko ng pagnanais katulad ng isang magulang: yung pagnanais na kung pwede lang wag nang lumaki o tumanda ang anak at sa kanila nalang sya habambuhay. Na wag na sana silang lumayo, o magkagusto sa ibang tao, at manatili nalang sa piling ng magulang. Which is hindi naman pwede, diba?..

Nagkakaroon lang ako ng kalungkutan dahil parang feeling ko yung pagmamahal na ipinapakita at ibinibigay ko ay hindi nasusuklian, hindi napapalitan. Pero sa tingin ko, ganun din nga ang nararamdaman ng isang tunay na magulang. At ganun din ang nararamdaman ng Diyos, kapag hindi natin nasusuklian ang pagmamahal Nya sa atin.

Kaya siguro nararamdaman ko ‘to ay dahil kalooban ng Diyos. Para maunawaan ko rin Sya. Para may mas maunawaan ako tungkol sa pag-ibig. A love that is not just for romantic reasons, but a brotherly one. A love like that of a parent’s. An unconditional love. Yung pag-ibig na patuloy pa rin kahit hindi nasusuklian nang tama, kasi mahal mo ang taong yun, kahit higit pa sa sarili mong buhay.

By this we know love, because He laid down His life for us. And we also ought to lay down our lives for the brethren. (1 John 3:16)

Noon, takot akong mag-open up sa ibang tao. Natakot akong magkaroon muli ng ka-close, kahit isang tao lang yun.. dahil sa past experiences… Nung nakilala ko naman sila, nung una rin natakot akong ipakita ang tunay kong nararamdaman para sa kanila, kung gaano ko sila pinapahalagahan, kung gaano ko rin sila kamahal. Pero pinaalala sa’ken ng Lord ang 1 John 4:18

There is no fear in love; but perfect love casts out fear, because fear involves torment. But he who fears has not been made perfect in love.

Kung tunay ang pagmamahal, bakit kailangang magkunwari sa sarili? At bakit ipagkakait na ipakita ang pagmamahal na yun?

863b68cbabcf41f2e3b61f94793a344eMinsan gusto ko nalang talagang isuko sila. Ayoko na ng burden. Ayoko na ng responsibility– yung laging mag-alala at mang-unawa. Pero minsan naiisip ko rin na hindi ko kaya. Ang pinapaalala nalang sa akin ng Lord ay yung katotohanan na hindi ko naman talaga sila pagmamay-ari, katulad ng isang tunay na magulang na hindi nya rin pagmamay-ari ang kanyang anak. They belong to the Lord. Ganito ganyan, eto ayan man ang mga sabihin ko sa kanila, nasa kanila na yun kung gusto nilang sundin din ang aking principles and spiritual methods. Pero may sari-sarili silang will. And that’s the line I can never cross. God is still sovereign over all. Ang tanging prayer ko lang ay patuloy silang magpasubmit sa Diyos, at hayaan nilang Sya ang maging Guide, Counselor, Comforter, at Teacher nila.

Na-rerealize ko ngayon na mas naiintindihan ko ang puso ng Lord pagdating sa ganung klaseng pag-ibig (pero syempre hindi pa rin ganung in depth… marami pa kong dapat maunawaan). Kahit na minsan, or madalas, na pag malungkot sila o may pangangailangan ay hindi ako ang kailangan nila para mapasaya sila, pero nandito lang ako para sa kanila. Kahit na magbago ang feelings nila toward sa’ken, I pray to the Lord na hindi ako magbago ng pakikitungo sa kanila. Kahit na malimutan nila ako, hindi ko sila makakalimutan.

Life is short, and it must truly be lived for the glory of the LORD. Life is short, so I want them to know how much I love them.

Advertisements

So, what's on your mind?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s