If you judge a fish…

Suddenly I was reminded of this quote na nakita ko dati somewhere:

everyone-is-a-genius-but-if-you-judge-a-fish-lg

Gets ko na medyo hindi. Hehe. But let me share what I thought.

Each one of us has his own area of expertise. Someone is good at a certain thing, but nobody is good at everything. But, everyone has an opportunity to learn something he isn’t good at. And judging that person whether he can do it or not would be unfair.

Teka… tama ba ang aking understanding? Haha, anyway. But please feel free to comment your own understanding of Einstein’s quote. :)

Advertisements

Updating myself…

Just wanna update myself here… well, nasa Doha na ko, 1 month na. Kakaiba ang experience; nung una para akong nananaginip. But, I’m here na. It’s bittersweet, because I miss my family back in the Philippines.

Mukhang magagamit ko ang pagkamataray ko sa lugar na ‘to. Sabi kasi ng ate ko, normal lang sa mga babae dito ang hindi pinapansin at kinakausap ng mga lalaki, kaya wag daw ako yung masyadong mabait o palangiti, or friendly. Nung nasa Pinas pa naman ako, ang pagiging mataray at masungit ang iniiba ko na sa sarili, haha.

Maraming nagbago sa buhay ko ngayon. Physically siguro (puro manok dito! Pero bumabaha ng prutas dahil mura lang naman..). Emotionally, malaki. Kasi nagbago din ang mga taong nakapaligid at madalas kong kasama noon. Sad, but true. Yun ang napansin ko. Hindi ko yun narealize nang matagal, dahil siguro after 3 days or a week ay nakita ko na ang tunay na kulay ng ibang tao. Napagtanto ko na distance will really show and tell the people who only matter to you (and vice versa). Hanggang tatlong katao nalang ang mga nakakausap ko ngayon sa Facebook. Yung iba taga-like nalang, bihira pa magrespond (magcomment). Ganun pala yun. Those people who matter will truly have the time and the thought na kusang mangamusta.

Kunsabagay, ano pa nga ba ang mapag-uusapan namin? Wala na kaming something in common, dahil malayo na ko, at di ko na sila nami-meet.

Ayaw ko na ng bitterness, dahil toxin yun sa buhay ko. Mas lalo akong hindi makakapagmove on. Tuwing maiisip ko ang mga nangyari, maging ang kalagayan ko ngayon, inaalala ko nalang ang mga Salita ng Diyos na hindi Nya ko iiwan ni pababayaan. Alam kong may purpose Sya sa’ken, kung bakit nangyari ang mga bagay na yun. Maging ang mga taong piniling lumayo sa’ken, ang Panginoon na ang bahala sa lahat.

Ginagawa ko lang ‘to to keep my sanity. I know I am not alone, for God is with me.

ang pagiging babae…

girl_in_love-wallpaper-800x600

Sabi nila masarap maging babae, kasi tayo ang “hinahabol.” Ang lalaki ang gumagawa ng paraan para sa gusto or mahal nya. Ang babae ang naghihintay. Pero mahirap din maging babae, dahil hindi sya makapag-first move.

Sa kultura ng Pilipino, hindi maganda sa isang babae na unahan ang isang lalaki, kahit na sabihin pa nating we’re in the modern times na. Mas gusto ko pa rin ang kulturang Pilipino — ang babaing Pilipina. Yun nga lang para sa’ken may dilemma. Kasi hindi ako pwedeng magfirst move sa taong gusto ko. I really just have to wait. And that’s the strain of being a woman. Continue reading

Untitled

->because I can’t think of a nice title for this random post of mine..

Ngayon lang ulit ako magbo-blog in Tagalog (or Taglish).  Madalas ko ‘tong gawin dati sa Multiply account ko. Puro kwento lang. Medyo nawalan na nga dati ng silbi yung journal ko kasi dun lang ako nagkekwento ng mga kung anu-anong nangyayari sa buhay ko, lalo na nung college student pa ko.

Hmm. Feeling ko ngayon hindi ako basta-basta makapagshare online. Continue reading