Updating myself…

Just wanna update myself here… well, nasa Doha na ko, 1 month na. Kakaiba ang experience; nung una para akong nananaginip. But, I’m here na. It’s bittersweet, because I miss my family back in the Philippines.

Mukhang magagamit ko ang pagkamataray ko sa lugar na ‘to. Sabi kasi ng ate ko, normal lang sa mga babae dito ang hindi pinapansin at kinakausap ng mga lalaki, kaya wag daw ako yung masyadong mabait o palangiti, or friendly. Nung nasa Pinas pa naman ako, ang pagiging mataray at masungit ang iniiba ko na sa sarili, haha.

Maraming nagbago sa buhay ko ngayon. Physically siguro (puro manok dito! Pero bumabaha ng prutas dahil mura lang naman..). Emotionally, malaki. Kasi nagbago din ang mga taong nakapaligid at madalas kong kasama noon. Sad, but true. Yun ang napansin ko. Hindi ko yun narealize nang matagal, dahil siguro after 3 days or a week ay nakita ko na ang tunay na kulay ng ibang tao. Napagtanto ko na distance will really show and tell the people who only matter to you (and vice versa). Hanggang tatlong katao nalang ang mga nakakausap ko ngayon sa Facebook. Yung iba taga-like nalang, bihira pa magrespond (magcomment). Ganun pala yun. Those people who matter will truly have the time and the thought na kusang mangamusta.

Kunsabagay, ano pa nga ba ang mapag-uusapan namin? Wala na kaming something in common, dahil malayo na ko, at di ko na sila nami-meet.

Ayaw ko na ng bitterness, dahil toxin yun sa buhay ko. Mas lalo akong hindi makakapagmove on. Tuwing maiisip ko ang mga nangyari, maging ang kalagayan ko ngayon, inaalala ko nalang ang mga Salita ng Diyos na hindi Nya ko iiwan ni pababayaan. Alam kong may purpose Sya sa’ken, kung bakit nangyari ang mga bagay na yun. Maging ang mga taong piniling lumayo sa’ken, ang Panginoon na ang bahala sa lahat.

Ginagawa ko lang ‘to to keep my sanity. I know I am not alone, for God is with me.

Advertisements