march madness

Hehe, nakiki-uso lang. Bakit ba? … Applicable pa rin naman ang title ko dahil sa dami ng mga nangyari, pinuntahan, at nakasama ko ngayong March.. hindi naman ganun ka-extreme ang mga nangyari, still nakasama ko ang mga taong mahahalaga sa’ken, which made the days/dates worth remembering :)

March 3

2nd Life Group Leaders’ Summit ng church namin, held at Cuneta Astrodome, Pasay City. Astig, andame namin. And astig ulit, color-coded, kaya anganda :D. Tanghali na ko nakapunta dun dahil nagpunta muna ako’ng school, kaya ang naabutan ko nalang dun ay si Sis. Dory Villanueva.. patapos pa. Tas magla-lunch na. Hehe. The speakers who I’ve managed to listen to were Ptr. Joey Crisostomo, Sis. Joni Villanueva, CIBAC Rep. Sherwin Tugna, TESDA Sec. General and KKB National Chairman Joel Villanueva, and of course, Bro. Eddie Villanueva. We were introduced (once again) to the new mission and vision of JIL Church, and Bro. Eddie’s two main principles. The whole day was all about commitment and faithful service to the Lord.


March 20

Nagkita-kita ulit kami nina Nads and Dabeed sa Gateway. Yun yung sinasabi ko dati kay Nads na ang mga nakaplanong bagay, minsan hindi natutuloy; pero ang mga biglaang lakad — yun ang natutuloy! Haha. Bonding ulit, malapit na din kasi grumaduate si Nads (note: halos magkatabi lang ang school naming 3).


March 22

From March 20-22 ay Career/Job Fair sa school namin, mainly for the graduating students. Well, kahit na hindi kami graduating students, pumunta pa rin kami, kasi next year na yung susunod na ganun. Medyo graduating kaming anim, hehehe, because of some deficiencies (huwaat??), ayoon, baka Octoberian kami. Still praying for God’s sustaining power sa’men, dahil hindi madali ang Thesis. Madali lang ang grumaduate, pero ang matapos ang Thesis… man! Susuot muna sa butas ng karayom bago makatapos..

Eto lamang ang tanging picture namin nung Job Fair. Ewankoba sa mga kasama ko, parang mga wala sa hulog. Hahaha. . Ayy lima lang pala kami dyan. Yung isa kasi nag-atubili magwork. Hehe. Peace ^_^

March 25

13th Anniversary ng JIL Subdistrict 3 (Brgy. Maybunga, Caniogan, Ugong). Guest si Bill Aujerio (former syndicate member, prisoner; now a Christian singer-missionary) na nagtestify ng kanyang naging buhay, kung paano syang tuluyang nabago because of this verse – Matthew 11:28-29. After that, there was a healing and delivering part. Nagkita ulit kami dun ng isang kakilala ko who had bone cancer, and she asked me to help her in prayer for her upcoming MRI. It’s really a fulfilling task and privilege to pray for her, even though I was not from that subdistrict. Well, God’s power is never limited.

Pagkatapos ng kaseryosohan sa buhay ay puro kakenkoyan naman.. hahaha.. Salamat ulit sa mga kapatid ko sa SD3! You’re like my extended family sa church; close na tayo ka’gad after one night hehe.. To Niel, ate Leni, kuya Jeff, ate Jo, and sa iba pa.. More blessings! :)

March 27

Nagpunta kaming tatlo nina Dabeed and Jere sa Pasig Municipal Hall, for the claiming of our Voter’s ID (lapit-lapit na rin ang eleksyon.. tama ba? Ehehe). Last 2009 pa ko nagparegister at 2010 ako bumoto, pero ngayon lang naging available ang ID. Ayos talaga.

For us ni berks Jere nakuha naman namin kagad yung ID namin, pero si Dabeed pumila pa dahil nun lang sya magpaparegister. Kala ko nagjojoke lang, kasi sa pagkakaalam ko matagal na’ng tapos ang registration schedule. Oh well. Magka-apelyido naman kasi sila ni Mayor kaya..ayoon. Haha joke lang. Pero totoong magka-apelyido sila ^_^

Memorable siguro talaga yung araw na yun for me dahil yun yung araw na muntikan na kong madukutan.. Tanghaling-tapat, may nangahas na nagbukas ng zipper ng bagpack ko, pero sa lakas ng pakiramdam ko nung araw na yun, hindi natuloy ang masama nyang binalak. Hahaha! Thank You LORD sa safety and security, and sa power :D.. Pero ganun nga talaga sa lugar na yun..

March 30

Punta ng Ortigas para i-claim yung napanalunan kong concert tickets hehehe. . God is soooooo good!!! :))

1st & 2nd panel: us waiting at the chapel...3rd panel: with Gene! :) 4th panel: waiting again... (for pictorial)

Tapos… punta sa school for Graduation pictorial!!!

Wahehehehe.. Octoberian nga kami diba? Pero nagpapictorial pa rin kami kasi next year pa ulit ang susunod na ganun. Matagal pa eh. Kaya we grabbed the chance na andun yun. Graduation shot + creative shot. Haha mga baliw lang kami dun… Pero masaya :D One of our last moments sa school T__T Looking forward sa pagtapos ng Thesis namin :) God bless sa’tin Mae, Lhar, Arjay, Zel, and Janok =)

Tas after that, deretso sa Keyboard JAM held by Musikatha.. Na-late ako.. nag-iistart na’ng mag-exhort nun si kuya Marlon.. Bukod kina kuya Ervin at Jupree, wala na kong ibang kilala dun (kasi mga schoolmates ko sila eh). . Pero ok lang din, hehe. It’s fun and very educational. Nabitin lang ako kasi pinauwi na ko ka’gad .. fail. Haha. Sa uulitin nalang ulit.. nawa makapunta ulit ako. Dame kong natutunan =) Salamat, Musikatha!

Ako na ang batang maraming pagod sa araw na yun ;D

Thank You LORD for this month! Looking forward to a spectacular April!

 

 

//credits to ate Leni and ate Jo sa ibang pics nung anniv nila :D

Advertisements

So, what's on your mind?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s