the Adventures along Ortigas (again!?!)

Story written: July 14 – Thursday

wish ko lang ganeto ang maabutan ko sa loob ng MRT -- hindi masyadong puno! --everytime sasakay ako! ...

Ok I’m back na naman sa pagbabyahe along Ortigas Avenue. Ang huli ko talagang “journey” dito eh nung 1st-2nd yr student ako sa former “college” ko sa Mandaluyong. Grabe talaga ang traffic from Ortigas Ext. hanggang Meralco then papuntang Crossing (dun kasi yung mga jeep na papuntang JRU and other way to Quiapo). Sa Ortigas Ave. kasi halos dumadaan lahat ng PUJs/PUVs/PUBs — papuntang Quiapo, Manila, Makati (mejo), Mandaluyong, San Juan, Divisoria, and ang *puso* ng EDSA. Kaya parang sa lahat ng oras eh peak hour. Nakakabad trip bumyahe dahil kahit anong aga mong umalis sa bahay nyo eh malelate ka pa ren dahil sa “scarcity” ng mga sasakyan (mababa lang talaga supply ng jeeps, o sobrang dame ata ng pasahero) at trapik.

So ba’t nga ba ulit ako napabyahe ulit dito? Kasi nag-oOJT (ulit) ako. It’s at Quezon Ave this time. Here’s my trip: tricycle (from house) — jeep (dalawang beses) or bus (but I don’t put my confidence whenever I ride buses especially in the morning!.. siguro pag pauwi lang) — MRT. Nung mga once to thrice kami na pumunta sa company na yun eh nagtricycle pa kami (imagine.. P20.00!). Pero sinabi samen ng isang kapwa OJT din na pwede namang lakarin na hanggang sa sakayan ng MRT dahil malapit lang talaga. Umiikot lang yung trike dahil one way. Mabuti nalang! Dahil sa lahat ng rides (carnival? XD) eh yung trike lang talaga ang nagpapamahal.

MRT people

Pero sa byahe ko talaga ang napansin ko eh mas marami pa ang LAKAD ko kesa sa sakay. Pagbaba ko ng jeep sa Gale eh dun na ang start ng pagbabaybay ko hanggang sakayan ng MRT. Tapos pagdating ko sa Quezon Ave. eh tatawid ako sa ilalim ng tulay (hindi pa naman dun siguro yung sinasabi nilang nakikipagpatintero sa mga sasakyan) at maglalakad nalang hanggang sa company. Ayoon. So puro lakad talaga.
Wala lang.. baket nga ba ako napakwento? Nung natapos na kasi ang pag-aaral ko sa Mandaluyong at napunta naman ako sa TIP-QC, mas maganda naman ang byahe ko papunta dun.. Nakukuha ko lang ng 30 mins. – 1 hour (if matrapik o mabagal ang jeep) ang papuntang Cubao. Kaya laking pasasalamat ko noon na hindi na ko bumabyahe along Ortigas. KASO ngayon, ayoon, balik ulit.
Hehe ganun talaga, kelangan talagang magtyaga at magpasensya. Three months akong ganito — WOW! T__T But by God’s strength I can do all things :)

TIP ko lang sa mga sumasakay along Ortigas: umalis ng bahay 1 hour and 30 minutes (or more than that!) before your schedule ! ~

Advertisements

So, what's on your mind?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s